Board Passers sa Nakaraang Pagsusulit (PRC): Binigyan Pagkilala

Advertisements

Nito lamang umaga (Agosto 14, 2017) sa Flag Ceremony ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag, sa Pangunguna ni Mr. Enrique V. Tagle (Municipal Administrator) ay Binigyang Pagkilala ang mga Baliwagenyong nakapasa sa nagdaang pagsusulit para sa kanikanilang larangan ng propesyon (ilan sa mga ito ay nabibilang sa Architecture at Social Work) na isinagawa ng Philippine Regulatory Commission o PRC, ito ay alinsunod sa kagustuhan ng butihing Punong Bayan Ferdie Estrella na bigyang pasasalamat at pagkilala ang mga Baliwagenyong nagbibigay ng karangalan at tagumpay sa ating bayan, gayun nadin upang hikayatin at bigyang motibasyon ang mga kabataan na kanilang linangin ang kanilang mga kasanayan upang maging matagumpay sa larangan kanilang mapipili at gayundin ay mabigyang karangalan ang kanilang mga pamilya at ang Bayan ng Baliwag.

Ilan sa mga naanyayahan Board Passer na nakarating ay sina:

Peter John Damian

Ronnuel Cunanan

Jomari Sarondo

Aldriane Igna

Emmanuel Ryan Francisco

Melissa Payongayong

Myka Bautista

Mary Marquez