Baliwag Convergence Strategy.

Advertisements

Nito lamang Agosto 10, 2017 ay nagkatipon tipon ang ilan sa mga malalaki at kilalang Kumpanya at Establesimiento sa Pangunguna ni Ginoong Enrique V. Tagle (Municipal Administrator) alinsunod sa kagustuhan ng Kagalanggalang Punong Bayan Ferdie V. Estrella na magkaroon ng matibay at masiglang pagtutulungan sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan at ng Pribadong Sektor.

Naging sentro ng usapin ang mga pangangailangan ng bawat Day Care Centers sa bayang ng Baliwag na kasalukuyang sumasailalim sa Standardization, iprinisinta ni Alvin Lee C. Asuro (Social Services Specialist) ang mga kinakailangan mga bagay at pagawain sabawat center at mga pamamaraan o pag tugon na maaring ipagkaloob ng bawat organisasyon o korporasyon upang sila ay ating maging katuwang sa pagsasaaayos ng bawat Day Care Centers. Bago ito ay tinalakay ni Carolina San Juan (Administrative Officer IV) ang mga Pagbabago sa Baliwag Early Childhood Care and Development, maging ang misyon at bisyon nito para sa mga Batang Baliwagenyo, upang lalong higit na malaman at maintindihan ng bawat representante na nasa pulong ang naisin at adhikain ng Lokal na Pamahalaan Bayan ng Baliwag para sa mga Batang Baliwagenyo.

Nasa nasabing pulong din ang Hepe ng MSWD Office Ms, Josephine Lopez upang suportahan ang aktibidad tungo sa pagkakabuklod buklod ng pribado at lokal na Pamahalaang bayan tungo sa nagkakaisang layunin.

Dumalo sa nasabing Convergence Strategy ang mga sumusunod:

Mark F. Bautista (Wilcon Depot), Frank Odi (Imperial Appliance Plaza), Jaypee Agno (N.E. Super Bodega Sales), Elena Gonzales (Philippine National Bank), Noel Cruz (Manila Electric Company), Jhazon Villafuerte (Landbank of the Philippines), Erick Mendoza (Mariel Food Corporation), Nancy Gonzales (Baliwag University), Len Trajano (Castro Maternity Hospital), Cherry-An Loma (Boardwalk Business Venture), Edd Santos (Security Bank), Analiza Bulaon, Zenaida Punzalan (Baliwag Water District), Arlene Tadeo (Waterwood Park Home Owners Association Inc.), Marilyn De Guzman (Crownwood Furniture Manufacturing Corp), Cris Espiritu (Goldilocks SM Baliwag), Danny Pancho (C.M. PANCHO Constructioons Inc.),  Carmina Arcilla (Jollibee Foods Corporation), Alona Babia (Cargil Philippines Inc.), Angelito Cortez (Control Gear Electric Corporation), Christina Martin (Amihan Medical Ventures), Rosinie Castillo (Cebuana Lhuiller), Maureen De Guzman ( Baliwag Lechon), Alex Ballesteros atAngelo Luis Calderon (Cargil Philippines).

Nagkaroon ng maayos na pagpapalitan ng tanong, sagot ang suwestyon sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan at ng mga Pribadong Kumpanya, kaugnay sa pagtutulungan at mag katuwang na mga hakbang na isasagawa upang mapaayos at higit na mapabuti ang serbisyo at kalagayan ng bawat Day Care Center sa bayan ng Baliwag.

Naging kaiisa sa adhikain ni Mayor Ferdie Estrella ang bawat isa sa nasabing pulong na masiguro  na “Walang sino mang Bata ang Maiiwan” .

Magkakaroon ng kasunod na pag uusap kung papano maisasagawa ang Convergence Strategy ng maayos at epektibo upang pormal ring maianunsyo sa bawat Baliwagenyo ang nagiging hakbangin ng Lokal na Pamahalaan na isama at maging kapartner ang bawat pribadong kumpanya at organisasyon sa pagsusulong sa kaunlaran ng Bawat Baliwagenyo.

Dahil sa ating bayan, bawat Baliwagenyo ay sama sama, tulong tulong, tungo sa Bago at mas maunlad na Baliwag.