Baliwag News Service

The Baliwag ECCD Struggling Readers Committee: A Beacon of Hope for the least privileged Students

Tunay ngang seryoso ang Pamahalaang Bayan ng Baliwag na masiguro na “Walang sino mang Bata ang Maiiwan”, sa pangunguna ng ating mahal na Punong Bayan Ferdie Estrella at Enrique Tagle (Municipal Administrator) na tinututukan ang kalagayan ng bawat mag aaral mula sa Early Childhood Care and Development o Day Care Service, Elementarya, High School at maging hanggang Kolehiyo. Ibat ibang programa at serbisyo na ang naipapamahagi at naipapatupad alinsunod sa pag nanais ng Pamahalaang Lokal na masiguro ang maayos na pagtatapos ng bawat Mag aaral na Baliwageno.

Kaya naman nito lamang Agosto 4, 2017, sa pangunguna ng Committee Chairman ng Struggling Readers Committee, na si Ms. Fidji Rivera Sarmiento, ay pinulong niya ang kanyang mga committee members, Dra. Edith Marcos (BTECH), Arceli Ralleta (District Supervisor), at William Ortega (District Supervisor), upang mapagplanuhan ang magiging tugon ng Pamahalaang Bayan sa dumaraming mag aaral na nahihirapan o nagkakaroon ng suliranin sa maayos na pagbasa. Naroon din si Ginoong Alvin Lee Asuro (Social Services Specialist) upang makatulong sa pagplaplano at mailatag ang maaring tugon sa mga pangangailangan ng mga Struggling Readers sa perspektibo ng pamahalaang lokal.

Nagkaroon ng malinaw ng hanggarin ang nasabing committee na matulungan ang mga batang nasa grade 2-3 sa bawat pampublikong paaralan. Nagkaroon ng maayos na pagplaplano kung paano ipapatupad ang mga programa at aktibidad alinsunod sa pagnanais ng committee na maging maayos at maalam sa pagbasa ang mga batang matutukoy ng bawat paaralan na nangangailangan ng tulong sa pagbasa.

Sa kasalukuyan ay nagkakaroon parin ng pagtanggap sa mga Boluntaryo na nagnanais na maglaan ng oras sa pagtuturo sa mga batang hirap sa pagbasa. Ang mga nagnanais na humabol pa sa nasabing adhikaing makatulong sa mga mag aaral upang mas matutong makabasa ay maaring i-click ang link sa baba upang makapag parehistro.

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfPgQes0XCrnQ2BVwb6_XLzNVb3EGVNTzwuf2-koeRsMPcG5A/viewform

Inaasahan na sa pag pasok ng second grading period sa mga pampublikong paaralan (elementarya) ay siyang pag sisimula ng pagtuturo ng Struggling Readers Volunteers sa mga kabataang mapapabilang sa mga nangangailangan ng dagdag suporta at tulong sa pagbasa.

Tunay nga na dahil sa taos pusong pagsuporta ng Punong Bayan Ferdie sa lahat ng Baliwageno ay maging ang mga tao sa pribadong sektor ay nahihimok na maging parte ng pagbabago, pagbabago na makatulong sa hangarin ng Pamahalaan na “magsama sama at magtulong tulong, ang bawat Baliwageno para sa isang bago at mas maunlad na Baliwag”.

Sa ngalan ng Serbisyong may Puso, may Malasakit!.

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.