Baliwag News Service

Baliwag ECCD Teachers: Embracing the New Heights of Standardization

Advertisements

Nitong nakaraang Agosto 3, 2017 ay nagkaroon ng pagpupulong ang lahat ng Baliwag ECCD Teachers (Day Care Service) upang lalong higit na maintindihan at malaman ang mga pagbabagong hatid ng Baliwag ECCD Standardization alin sunod sa kagustuhan ng Punong Bayan Ferdie Estrella at Enrique Tagle (Municipal Administrator) na tumatayong Chairman and Co-chairman ng Baliwag ECCD Board, na lalong higit na makapag hatid ng dekalidad na pag tuturo at serbisyong may malasakit sa lahat ng Baliwagenong edad 3-4 na naka enroll sa mga Day Care Centers ng naturang bayan.

Pinulong ni Alvin Lee Asuro (Social Service Specialist) ang mga guro upang ipaliwanag at himayin ang mga aprubadong standardization guidelines na ipapatupad sa Bayan ng Baliwag. Ilan dito ay ang wastong pag lalaan ng tamang oras para sa mga day care students edad 3 taong gulang at 4 na taong gulang na may magkaibang tagal ng pag gugol sa mga center. Sumunod dito ang mga regulasyon sa pag liban sa klase, pag tatala ng mga leave at tamang oras ng pagdating at pag alis sa kani kanilang mga centers. Gayun din ang tamang pag papasa ng angkop na mga ulat sa tamang mga oras ng pagsusumite, tulad ng Buwanang Accomplishment Report, Weekly SF report, Weight Monitoring, Feedback Reports, Home Visitation Reports at Portfolio.

Binigyang pansin din ng nasabing Specialist ang pagpapatupad ng Monitoring and Performance Evaluation na gagawin ng ECCD Technical Team sa mga teachers upang matukoy ang mga aspetong kinakailangang pag laanan ng oras at panahon upang mas malinang ang mga guro upang higit silang maging mahusay sa larangan ng kanilang propesyon.

Naroon din sa naturang pagpupulong ang Department Head ng Municipal Social Welfare and Development Office, Ms Josephine Lopez (Vice Chair of the Baliwag ECCD Board) na kaisang nag paliwang sa mga guro ng mga dapat nilang isa alang alang sa pag papadaloy ng programa.

Pinangunahan din ng mga kawani ng Pamahalaang Lokal ng Baliwag ang pag hahalal sa bagong Baliwag Day Care Teachers Officers. Ang mga sumusunod na guro ang nahalal sa mga nasabing puwesto na manunumpa sa pagbabalik ng Punong Bayan Ferdie Estrella.

Pangulo: CORAZON DANTES

OIC: JOANNA DELA MERCED / CONCEPCION QUIAMBAO

Secretary: MENCHE BUENZALIDA

Treasurer: CHIRIZ HIPOLITO

Liaison Officer: RUBYSAN DOMINGO

Inaasahan na sa pag usad ng Baliwag Day Care Service na tuluyang akapin ang magandang pagbabagong hatid ng Standardization ay lalong higit na mapag huhusay at magiging mas kagiliw giliw ang mga serbisyo at programang laan ng Pamahalaang Lokal ng Baliwag para sa lahat ng Baliwageno.

Sa ngalan ng Serbisyong may Malasakit.

Advertisements