Binigyang pansin din ng nasabing Specialist ang pagpapatupad ng Monitoring and Performance Evaluation na gagawin ng ECCD Technical Team sa mga teachers upang matukoy ang mga aspetong kinakailangang pag laanan ng oras at panahon upang mas malinang ang mga guro upang higit silang maging mahusay sa larangan ng kanilang propesyon.
Naroon din sa naturang pagpupulong ang Department Head ng Municipal Social Welfare and Development Office, Ms Josephine Lopez (Vice Chair of the Baliwag ECCD Board) na kaisang nag paliwang sa mga guro ng mga dapat nilang isa alang alang sa pag papadaloy ng programa.
Pinangunahan din ng mga kawani ng Pamahalaang Lokal ng Baliwag ang pag hahalal sa bagong Baliwag Day Care Teachers Officers. Ang mga sumusunod na guro ang nahalal sa mga nasabing puwesto na manunumpa sa pagbabalik ng Punong Bayan Ferdie Estrella.
Pangulo: CORAZON DANTES
OIC: JOANNA DELA MERCED / CONCEPCION QUIAMBAO
Secretary: MENCHE BUENZALIDA
Treasurer: CHIRIZ HIPOLITO
Liaison Officer: RUBYSAN DOMINGO
Inaasahan na sa pag usad ng Baliwag Day Care Service na tuluyang akapin ang magandang pagbabagong hatid ng Standardization ay lalong higit na mapag huhusay at magiging mas kagiliw giliw ang mga serbisyo at programang laan ng Pamahalaang Lokal ng Baliwag para sa lahat ng Baliwageno.
Sa ngalan ng Serbisyong may Malasakit.