Inumpisahan ni Mr. Alvin Lee ang pagpupulong sa pag babahagi sa mga magulang kung ano ba talga ang kanilang tungkulin at gampanin bilang isang magulang na nagpapaaral ng kanikanilang mga anak sa Day Care Centers sa bayan ng Baliwag. Nabanggit sa nasabing pulong na ang bawat magulang ay ang CHAMPION ng bawat local government unit na katuwang nito sa pag iimplementa ng programa, ADVOCATE ng karapatang pambata, at TULAY na magdurugtong sa programa ng day care service sa iba pang serbisyo o programa na makakatulong upang higit na mapasaayos ang implementasyon nito.
Binanggit din ni Mr. Asuro ang kahalagahan ng Kooperasyon, Koordinasyon at ng dagdag na Kaalaman at Kagalingan, sa pag iimplementa ng Supplemental Feeding kung saan ang mga magulang ang direktang katuwang ng mga Day Care Teacher sa pag iimplementa nito.
Matapos nito ay iginiit ng nasabing kawani ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Baliwag na ECCD Program ng bayan ng Baliwag ay ipinatutupad ang “ZERO COLLECTION POLICY” na nangangahulugan na walang anumang babayaran sa pag papaaral ng kanilang mga anak sa bawat day care centers sa bayan.
Nilinaw rin ng Hepe ng MSWD Office, Ms Lopez na ang pagkakaisa ng mga magulang upang higit na mapaayos at mapabuti ang programa ng Day Care Service ay makakamit lamang kung magkakaroon ng pagtutulungan imbis na pag puna sa mga kakulangan sa bawat center. Nilinaw rin ng Hepe ng MSWD-Office na ang barangay ay isa sa mga katuwang ng lokal na pamahalaan sa pag papanatili ng kaayusan ng mga centers at pagsisigurado na ang bawat center ay ligtas.
Matapos ang pagpupulong ay sinagawa ang paghalal sa pangkalahatang opisyal ng pamunuan ng Baliwag Day Care Parent Officers, ang mga sumusunod na magulang ang nahalal na syang makakasama ng mga bagong halal na Pamunuan ng Day Care Teacher Officers,
OIC: Julie Ann Mendoza ( Makinabang)
Secretary: Clairezel Consultado ( Pagala)
Treasurer: Joana Castillo ( Sta Barbara)
Liaison: Sheryl de Lara ( Piel)
Inaasahan na mas higit na magkakaroon ng pagkakaisa at kaayusan sa bawat day care centers sa pamamagitan ng paglilinaw sa mga magulang ng mga halal na magulang ng ECCD program, hinggil sa mga naresulbang usapin sa pagpupulong.
Sa ngalan ng Serbisyong may Malasakit!.