A Brighter Future for All Baliwageño’s.

Advertisements

Nito lamang Agosto 02, 2017 ay naanyayahan ang Pamahalaang Bayan ng Baliwag sa pangunguna ng kagalang galang Punong Bayan Ferdie Estrella at Enrique V. Tagle (Municipal Administrator), upang tanggapin ang katibayan mula sa Council for the Welfare of Children bilang isa sa piling bayan na naging matagumpay sa nagdaang pagsusuri ng  Council for the Welfare of Children katuwang ang DILG at DSWD, para sa prestihiyosong “SEAL OF CHILD FRIENDLY LOCAL GOVERNANCE” ang katunayan ay pirmado ng Kalihim ng DSWD at Chairperson ng Council for the Welfare of Children , Secretary JUDY TAGUIWALO, PhD at ng tinalagang tagapamuno ng DILG, Officer In Charge Mr. CATALINO S. CUY.

Pinagkaloob din sa Bayan ng Baliwag ang “PLAQUE OF RECOGNITION” na pirmado ng Punong Panlalawigan ng Bulacan, Gov. Wilhelmino Alvarado, Bise Gobernador Daniel Fernando, at PSWDO Head Ms. Rowena Tiongson, bilang isa sa piling mga Munisipyo na nakatanggap ng “SEAL OF CHILD-FRIENDLY LOCAL GOVERNANCE”.  Ang nasabing pagkilala ay tinanggap ni Mr. Enrique V. Tagle (Municipal Administrator), kasama sina Mr. Jayfie Nasarro (MGLOO) at Ms. Josephine Lopez (MSWDO).

Sadyang sumasalamin sa tunay na hangarin ng Pamamahala ng Punong Bayan Ferdie Estrella sa mga programa at serbisyong nilalaan nito sa lahat ng Baliwageño, magiliw, maagap, mahusay, maasahan, at magkatuwang.

Isa sa maliwang at nakikitang reporma ng pamamahala ng Punong Bayan Ferdie V. Estrella ang masiguro at matutukan ng husto ang kapakanan ng bawat Batang Baliwageño, upang masiguro na ang bawat karapatan at prebilehiyo ng mga ito ay naipapatupad at naipapabatid sa lahat ng mamamayan.

“Walang sino mang Bata pa ang maiiwan”-MFVE .