Baliwag News Service

Paghahanda sa 2nd Season ng National Schools and Camps Basketball Championship NSCBC, sinimulan na.

Nagsimula na ang paghahanap ng magagaling na manlalaro sa bayan ng Baliwag sa edad na 14 pababa upang isali sa darating na National Schools and Camps Basketball Championships (NSCBC). Ito ay gaganapin sa bayan ng San Ildefonso sa ika- 19 ng Agosto, 2017. Ang nasabing paghahanap ng manlalaro o try out ay ginanap kahapon, linggo ika-23 ng Hulyo, 2017. At ito ay nilahukan ng humigit kumulang 80 manlalaro upang sila ay maging parte ng koponan ng Baliwag.

Advertisements