Baliwag News Service

DepEd Consulative Meeting with the Local Government of Baliwag and the DSWD Regional Office (III)

Naging mabunga ang natapos na pagpupulong sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng Baliwag, DSWD Region III at ng mga kinatawan ng bawat pampublikong paaralan sa bayan ng Baliwag na dinaos nito lamang hulyo 19, 2017 ganap na ika siyam (9) ng umaga hanggang  12 ng tanghali.

Naging sentro ng usapin ang dumaraming bilang ng mga batang nagiging paliban sa klase at mga batang dropout sa bawat pampublikong paaralan sa nasabing bayan.

Alin sunod sa Kagustuhan ng Butihing Punong Bayan Ferdie Estrella at Enrique Tagle (Municipal Administrator) na masiguro  ang pagtatapos ng bawat Baliwageño sa kanilang pag aaral, ay

Nagkaroon ng pagplaplano sa pagitan ng DSWD sa pangunguna ni Ms. Mercy Grace Ventura, Mr. Alvin Lee Asuro na kumatawan sa Lokal na Pamahalaan ng Baliwag, at ng bawat Guro at Punong Guro na dumalo sa nasabing talakayan ang magiging aksyon sa pagtukoy at pag resulba sa naturang problema sa aspeto ng Edukasyon.

Nagkaroon ng pag uulat ang DSWD Pampanga sa pangunguna ni Ginoong Alvin Santiago na nag ulat sa dunaraming bilang ng mga batang umaabsent at nag drodrop out sa bawat paaralan sa Baliwag na nasa ilalim ng programang Pantawid Pamilya.

“Kung ito po yung mga bata lamang na miyembro ng pantawid, papaano papo pag nilahat pa natin”-g.santiago

Nakakaalarmang tunay ang patuloy na pag taas ng bilang ng mga batang nagiging paliban sa klase, mula sa pagkakaroon ng sakit, kakulangan sa pinansyal na kakayanan ng pamilya, maging sa pagkakaroon ng mga insidente ng pang aabuso, maltrato at maagang pagtratrabaho na higit na gustong matukoy at masolusyunan ng ating Pamahalaang Lokal.

Nagkaroon ng pagpapalitang ng suwestyon ang bawat departamento kung saan sila ay nakabuo ng isang plano upang matukoy at mabigyan ng ukol na pansin ang mga pamilyang nangangailangan ng tulong. Sa tulong ng mga tool o assessment forms na ibinahagi ni Mr Asuro mas madali at magihing maayos ang koordinasyon ng DepEd, DSWD at ng pamahalang lokal ng Baliwag upang matupad ang nais ng ating Punong bayan Ferdie Estrella na walang sino mang Batang Baliwageño ang maiiwan.

Advertisements