Baliwag News Service transport strike

BALIWAG: Klase sa Senior HighSchool at Kolehiyo Suspendido Bukas dahil sa Jeepney Strike

Advertisements

Sinuspinde nga ng Baliwag ang lahat ng Klase sa lahat ng Kolehiyo (COLLEGE LEVEL at Senior Highschool ONLY) sa Baliwag dahil sa malawakang strike na gagawin ng mga jeep operators at drivers  Bagama’t hindi makikilahok ang mga jeepney operators at drivers sa Baliwag, madami naman ang tinatayang maabala dahil hindi nga papasada ang mga jeep mula sa ibang bayan kung saan nakatira ang mga mag-aaral.
Samantala, may pasok ang Baliwag Elementary at High School Level kasama na ang Baliwag ECCD PreSchool at Minding Centers bukas dahil may magagamit naman at sapat ang publikong transportasyon. 

May pasok din ang lahat ng pribado at publikong tanggapan bukas. 

Ang Lahat ng mga Quick Response Vehicles na pag-aari ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag ay ipapagamit bilang standby kung sakaling mayroong mastranded bukas. Hinihiling naman ni Mayor Ferdie sa mga Mayors sa kalapit na bayan na magkaroon ng augmentation sa  kanilang mga lugar upang makabiyahe sa Baliwag at makapasok sa trabaho ang kani-kanilang mga residente.  

Advertisements