Layunin ng pag momonitor na ito na pinangunahan ni Ms. Carolina San Juan (Btech), Ms Cecile Villafuerte, at Alvin Lee Asuro (Social Services) ay ang maipresinta ang kabuuang mukha at kalagayan ng bawat ECCD Centers ng ating bayan sa Baliwag ECCD Board upang maaral at matugunan ang mga aspetong dapat pang palakasin at ayusin upang mas mapabuti at maitaas ang kalidad at antas ng serbisyong handog ng Baliwag Day Care Service sa mga mamayan ng Baliwag, alinsunod narin sa Layunin ng Kagalang galang Punong Bayan Ferdie Estrella at Enrique Tagle (Municipal Administrator) na tumatayong chairperson at co-chairperson ng Bagong repormang Baliwag ECCD Board.
Mithiin ng butihing Punong bayan ang matugunan ang mga pangangailangan ng programang ito upang higit na mabigyan ng dekalidad na serbisyo ang mga kabataang nag aaral sa bawat Daycare Centers.
Inaasahan na sa buwan ng hulyo ay matatapos ipresinta ang datos ng kabuuang pagsusuri sa bawat centers sa Baliwag ECCD board upang magkaroon ng agarang pagplaplano upang resulbahin at maisaayos ang bawat natukoy na kahinaan ng programa.
Dahil ang Baliwag ECCD Board ay kaisa ng Punong Bayan Ferdie Estrella sa adhikain nito na “Walang sino mang Batang Baliwageño, ang Maiiwan” sama sama nating gagabayan ang bagong henerasyon tungo sa kagalingan at kaayusan, sa muling pagpapasigla at pag tataguyod sa Bayan nating sinta, Baliwag tayo na!