Alin sunod sa kagustuhan ng Punong Bayan Ferdie V. Estrella, Enrique V. Tagle (Municipal Administrator) na masiguro ang kaligtasan ng bawat Baliwageño sa anu mang uri ng sakuna, ay ipinag utos nito na magkaroon ng malawakang Disaster preparedness workshop sa lahat ng Barangay ng Bayan. Bilang pagtugon ang Opisina ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng DSWD at ang MDRRMO ng bayan ng Baliwag ay nagsagawa ng arawang seminar workshop sa mahigit isang libo walong daang (1800) sambahayan na hinati sa walumput anim (86) na grupo sa buong Bayan ng Baliwag na nagsimula nuong Hulyo 11 na tatagal hanggang Hulyo 24. Ang nasabing mga grupo ay isa isang tinuturuan ng kaalaman ukol sa pag hahanda sa oras ng paglindol, pag baha, at iba pang uri ng sakuna, binigyan din sila ng kaalaman ukol sa pag bibigay ng pangunang lunas o first aid, earth quake drill at mga dapat tandaan sa oras ng pagbagyo, pagbaha at pag likas. Timuruan din ng mga representante ng DSWD ang mga nanay ukol sa E-balde kung saan ito ay nagsisilbing emergency balde na nag tataglay ng supply na tatagal para sa tatlong araw sakaling magkaroon ng paglikas at mga mahahalagang dokumento na kinakailangan.
Nagiging katuwang sa nasabing oryentasyon ang ibat ibang organisasyon na nagigng bukas upang magamit ang kanilang mga pasilidad para sa nasabing oryentasyon.
Naging mabunga ang mga natapos ng oryentasyon sa ilang mga barangay na nag bigay kaalaman sa mga partisipante; “Ngayon po ay higit nanaming alam ang aming gagawin sakali pong muling pasukin ng baha ang aming bahay”- Nanay Felicia
“Hindi na po kami mag aantay na pilitin pa po kami na lumikas sakaling kami ay bahain, dahil alam na po namin ang kahalagahan ng maagap na paglikas” – Nanay Rose
Sa kasalukuyan ay patuloy na nagaganap ang oryentasyon sa mga natitira pang mga grupo sa pangunguna ng DSWD Pantawid: Ms. Mercy Ventura (MAT Leader), Jona Aubree Chavez (ML), Roschelle Ingco (ML) at ng MDRRMO ng Baliwag na pinangunahan nila : Jenny Rose Hernandez at Victor Sarmiento Jr na naging resource person sa usaping disaster at nag bigay ng pagsasanay sa first aid at disaster drills.
Tunay na ang sapat na kaalaman at kahandaan sa oras ng mga sakuna ay kinakailangan upang masiguro ang kaligtasan ng bawat miyembro ng Pamilya.
Katuwang ng bawat Baliwageño ang Lokal na Pamahalaan sa Pangunguna ng Punong Bayan Ferdie Estrella, na nag tataguyod at nag hahandog ng mga programa at serbisyo na galing sa puso at may malasakit.
Advertisements BALIWAG, Bulacan- Halos 40,000 pamilya sa bayang ito ang tumanggap ng ayuda mula sa P123 Milyong pondong inilaan ng Pamahalaang Nasyonal, upang makatulong sa mga indibidwal na apektado ng pagdedeklara ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) noong Marso 29 hanggang Abril 11, kabilang ang mga naging benepisyaryo ng Social Amelioration Programs 1 and 2. Ito […]
Advertisements Bilang tugon sa mga dayalogo at panayam sa iba’t ibang sektor na may kinalaman sa pagkuha ng prangkisa ng traysikel, ang mga sumusunod ay ipinababatid sa lahat: Pagkakaroon ng extension para sa pagpaparehistro ng Non-Baliwag Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) Ang kahilingan ng mga pangulo ng mga TODA mula sa mga karatig na […]
Advertisements Muling napatunayan ng mga kumpanya sa ilalim ng SM Group na sila ay huwaran sa maagap na pagbabayad ng tamang buwis nang igawad sa kanila ang anim na puwesto sa labinlimang pangunahing tax payers sa taong 2017 sa ginanap na Baliwag Institutional Partners Night: Pagkilala at Pasasalamat sa mga Katuwang sa Serbisyong may Malasakit […]