baliuag baliwag Baliwag News Service upau

Bagong tatag na Urban Poor Affairs Unit sa ilalim ng Tanggapan ng Punongbayan, kumilos para sa unang Assisted Relocation sa mga nakatira sa Gilid ng Patubig

Batay nga sa kagustuhan ni Punongbayan Ferdie V. Estrella ay ipinagutos nya sa Urban Poor Affiars Unit ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag na asistihan ang Homeowners Association ng Brgy. Makinabang na nakaiskedyul na irelocate dahil sa kagustuhan na din ng National Irrigation Administration na mabawi ang kahabaan ng NIA road na pinagtitirikan ng mga kabahayan. Ang mga hakbang na ito ay batay sa pagsasaayos sa patubigan nang dumaloy ang tubig sa mga palayan ng maayos. 

Dahil ang problemang ito ay pabalik-balik, ipaguutos nga na bantayan ang mga lupa ng Gobyerno, ito man ay nasyunal o lokal. Malaki ang papel ng irigasyon upang mahigitan natin ang commitment natin sa Food Security bilang ikatlo sa pinakamalaking ani sa buong lalawigan.

Ang buong kahabaan  nga ng mga kabahayan ay hinahanda na at tinutulungan upang maisagawa ang aplikasyon ng Homeowners na makalipat kung saan sila ay magiging legal na nagmamay-ari ng lupa.

Ang UPAU ay  siyang itinalagang tanggapan para sa sheltering program ng Baliwag at pinamumunuan ni G. Eddie San Gabriel.

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.