Baliwag News Service

Sugar content ng mga karaniwang inumin at pagkain, BINUSISI!

Pinresinta sa mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag ang “hidden sugars” display ng mga karaniwang inumin at pagkain, kahapon Hulyo 20, 2017 sa flag raising ceremony.

Pinangunahan ito ng Tanggapan ng Populasyon at Nutrisyon, alinsunod sa pagdiriwang ng Nutrition Month ngayong Hulyo na may temang “Healthy diet, gawing habit for life!” Naglalayon itong palawigin ang wastong pagpili ng pagkain.

Marapat na malaman talaga ng mga tao ang halaga ng tamang pagpili ng mga kinakain nila. Hindi ako aware na kahit pala yung mga inumin at pagkain na akala mong sugar-free ay may sugar pa din,” kumento ni Mayor Ferdie matapos makita ang mga nilalaman ng display boards.

Matatagpuan ang mga display boards na ito sa lobby ng munisipyo at nakaplanong mas palawigin pa ang imposmasyong ito sa mga iba pang pampublikong lugar gaya ng palengke at parke, mga pribado at pampublikong paaralan at unibersidad, pati mga establishments.

Advertisements