Baliwag News Service

The Baliwag Early Childhood Care and Development Board

Kanina lamang umaga, ganap na 8:15 am, sa dinaos na Municipal Flag Ceremony ay naganap ang panunumpa ng mga miyembro ng Baliwag ECCD Board and Committee sa harap ng ECCD Chairman kagalang galang Punong bayan Ferdinand V. Estrella.

Layunin ng ECCD Board na mas lalong mapahusay ang serbisyong hatid ng DayCare Service sa mga kabataang Baliwageño na may edad 3-4 taong gulang.

Tututukan ng nasabing ECCD Board ang pangkalahatang aspeto ng pag unlad ng bawat Day Care Student, upang matiyak ang kalusugan, kaligtasan, at kagalingang kinakailangan nito upang maging isang Mahusay na Baliwageño sa paglaki nito.


Nasa naturang panunumpa ang Cochairman ng ECCD Board na sina, Ginoong Enrique Tagle (Municipal Adminstrator), Maria Cristina Silamor (MDSF), Josephine Lopez (MSWDO), Architect Monic Villangca, Dra. Joan Dinlasan (MHO), Dr. Andy Cruz, Brenda Bernardo (MNAO), William Ortega, Domingo Padilla, Fidji Frances Grace Sarmiento, Engr. Nemencio Deleon (MPDC) at Hon. Councilor Manny Balicanta.

Advertisements