Baliwag Human Resource Baliwag News Service Business streamlining Citizens Charter ISO 9001:2015

Pamahalaang Bayan ng Baliwag nagsimula ng sumailalim sa proseso ng International Standard Organization (ISO 2015)

Advertisements

Nagsimula na ngang sumailalim sa proseso ng sertipikasyon ang Pamahalaang Bayan ng Baliwag isang taon matapos na maihanda ang kawanihan. 

Sa pamamagitan ng sertipikasyon ay nasisiguro na ang mga sistema at pakikipagtransaksyon sa mga tanggapan ay naayon sa pamantayan ng ISO. Sa huling circular ng DBM sa pagpapalabas ng Performance Based Bonus, kasama ang pagkakaroon ng ISO upang makapaglabas ng pondo laan para dito.

Ang unang batch nga buhat sa iba’t-ibang tanggapan ay pinadalo sa Familiarization upang malaman ng bawat kawani kung ano nga ba ang ISO. Dalawa ang layunin nito, mapakita ang pagkapareparehas at pagkaparehas ng sistema at ikalawa, mapataas ang antas ng kaaiyahan ng mga kliyente sa mga produkto at serbisyo ng mga tanggapan.

Ngayon darating na Lingo, ang ikalawa at huling grupo ang sasabak nga sa familiarization kasabay ng isang management committee upang matalakay ng ISO Team ang mga gawain ng bawat isa.

Advertisements