Tinalakay ni Ginoong Alvin Lee Asuro, Social Services Specialist ang mga kahinaan at kalakasan ng kasalukuyang isinasagawang Supplemental Feeding Program katuwang ang DSWD Regional Office. Nagkaroon ng mas malinaw na hanggarin ang council na imobilisa ang pamunuan ng barangay upang maging katuwang sa implementasyon nito.
Natalakay din ang aspeto ng kalusugan at nutrisyon na kinakailangan tutukan ng Health Committee upang masigurong lahat ng bata ay makaiwas sa malnutrisyon.
Tinalakay din sa nasabing meeting ang mga kahinaan at rekomendasyon patungkol sa work force, o mga guro ng programa at ang wastong gabay sa pagtuturo sa mga day care students na susubaybayan ng Curriculum committee na mag sasaayos ng pagtuturo at mag bibigay ng dagdag kakayanan at kaalaman sa mga day care teachers upang mas maging mas maalam ang mga ito ukol sa ECCD Program.
Nagkaroon din palitan ng suwestyon ukol sa pagpapabuti ng programa na tututok sa aspetong pangkalusugan, kalidad ng edukasyon, nutrisyon at ilan pang mahahalagang aspeto ng ECCD Program.