Advertisements
Muli ngang makikipagtuwang ang Pamahalaang Bayan ng Baliwag sa Couples for Christ ANCOP Canada upang mabigyan ng pabahay ang mga identified beneficiaries buhat sa mga geohazards areas o mga mapanganib na lugar tulad ng tabing ilog.
Mamaya nga sa ganap na ika-9 ng umaga ay gaganapin ang groundbreaking ceremonies sa Piel.
Taong 2012 nga ng huling magkaroon ng programang pabahay ang Baliwag katuwang ang Couples for Christ, sa parehong lugar din.