Baliwag News Service

Detalye ng Burol at Libing ni Fr. Jess

Dumating na sa K of C Hall ang mga labi ni Fr. Jess Cruz sa ganap na ika-9 ng umaga, ika-26 ng Hunyo, 2017.

Sinalubong ang mga labi ni Fr. Jess ng kura paroko ng Parokya ni San Agustin, Msgr. Andres S. Valera, H.P., kasama ang pamunuan ng Pastoral Council ng nasabing parokya. Matapos basbasan ang mga labi at sama-samang ipagdasal ang kayapayaan ng kaluluwa ni Fr. Jess, pinangunahan ni Msgr. Andy ang Unang Banal na Misa para sa burol ng mahal na pari.

Ang kanyang mga labi ay ilalagak sa KC Hall hanggang sa ika-29 ng Hunyo at sa ganap na ika-10 ng umaga ng Hunyo 29 ay gaganapin ang Misa ng Paglilibing sa Parokya ni San Agustin.

Ayon kay Msgr. Andy, ” In lieu of flowers, donations are accepted for the burial expense. You can give your donations at the Parish Office.”

Maaring mapanuod ang ritwal ng pagtanggap ng mga labi ni Fr. Jess sa Facebook Site ng Parokya ni San Agustin – Baliwag.

Maraming Salamat Fr. Jess! Paalam na sa iyo kapatid na pumanaw. Makapiling ka nawa ng Poong Maykapal!

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.