Baliwag News Service

Maraming Salamat Fr. Jess Cruz

Ikinalulungkot po nating ibalita ang pagpanaw ni Reberendo Padre Jesus Cruz isa sa mga Paring Katolikong nakadestino sa Parokya ni San Agustin. Siya ay  tinatayang pumanaw  ng ika-7 ngayong gabi sa Ace Medical Center.

Siya lumaban sa sakit na Cancer na lubhang nagpahirap sa kanya at bunsod nito ay naging sanhi narin ng kanyang kamatayan. Siya ay naordinahang pari noong Ika-6 ng Disyembre 1986.

Siya ay naging Kura Paroko sa Tangos Baliwag, Bulacan at noong 2014, sya naman ay naassign bilang attached Priest sa ating Parokya. Sa kanyang pamamalagi sa ating bayan ay ipinamalas din nya ang pagmamahal sa ating bayan at nakaisa natin sa ating mga mabubuting hangarin para sa ating bayan.

Ang kanyang mga labi ay ilalagak sa K of C Hall ng Parokya ni San Agustin. Ang buong Pamahalaang Bayan ng Baliwag kaisa ng ating Punong Bayan Mayor Ferdie Estrella at ng buong mga kawani ay taos pusong nakikiramay.

Paalam Fr. Jess, hinding hindi namin makakalimutan ang inyong kabutihan at kagandahang loob na iyong pinakita at pinaramdam sa amin.

Para sa ibang detalye, mangyari po lamang na tignan ang Facebook site ng Parokya ni San Agustin-Baliwag

Advertisements