baliuag baliwag Baliwag News Service Baliwag Public Market

Baliwag Public Market kumilos laban sa mga Pekeng Produkto

Pinaigting nga ng Baliwag Public Market Office ang pagkumpiska sa mga pekeng sigarilyo at shampoo matapos ang nakaraang raid na isinagawa ng Bureau of Customs sa isang warehouse sa Guiguinto, Bulacan. Bago pa nga nito ay nahulihan din ang isang warehouse sa San Ildefonso, Bulacan na puno ng pekeng sigarilyo. 

Ang mga pekeng produkto na hindi nga nakumpiska ay maaring binagsak sa Baliwag dahil dito mayroong pinakamalaking operasyon ng palengke sa buong lalawigan.

Sa utos ni Punongbayan Ferdie Estrella ay nagsagawa naman ng pagsusuri sa ilang reklamo ng mamimili na mayroon mga pekeng bigas na binebenta sa ating pamilihang bayan. Agad na dinala ang mga samples o specimen sa National Food Authority at ito naman ay nagpatunay na hindi peke o plastic ang mga nasabing bigas kung hindi ay ang tinatawag na super laon. Pinayuhan ang mga mamimili na dagdagan ang tubig kung ito ay isasaing. 

Advertisements