Tinalakay sa naturang pagpupulong ang kalagayan at estado ng mga BUB (Bottoms Up Budgeting) funded na mga proyekto sa bawat bayan na kinakailangan ng matapos at ma liquidate, Sustainable Livelihood Programs para sa mga Pantawid Pamilya Beneficiaries, Social Pension para sa mga Senior Citizen, Centenarian Grants, at ang mga regular ng programang naglalayong iangat ang antas ng pamumuhay ng bawat mamayan sa probinsya ng Bulacan.
Dinaluhan ang nasabing pagpupulong ng Regional Director ng Region III, walang iba kung hindi si Director Gemma Gabuya, sa kanyang pagbati ay nabanggit ng Direktora ang kagalakan sa matatag at walang sawang suporta ng bawat lokal na pamahalaan sa mga programang binababa ng Regional at National Governmeent sa mga ito, nagpasalamat din ito sa mga inisiyatibo ng bawat MSWDO ng bayan upang wakasan ang kahirapan at pang aabuso sa mga kabataan at kababaihan.
Kinatuwa ng nasabing direktor ang Programang Hatid Kalinga ng Bayan ng Baliwag at ang mga serbisyong hatid ng Malasakit Center, hinikayat ang nasabing bayan upang magpasa ng write up ukol sa mga programang ito upang makilala ng departamento ang kagalingan at serbisyong hatid nito sa mga mamayanang Baliwageño.
Natapos ang naturang pagpupulong kung san lahat ng kinatawan ng bawat bayan ay nag kasundo upang masagawa ang mga lapse o natirira pang mga gawain alinsunod sa mga nabanggit na usapin.