Baliwag News Service

Philippine SuperLiga sa Baliwag Star Arena!

Advertisements

Sa kauna-unahang pagkakataon ay naimbitahan ng may Dugong Baliwag Pusong Baliwag Mayor Ferdie V. Estrella ang Philippine SuperLiga PSL sa ating Baliwag Star Arena Gymnasium. Kasama ang anim na koponan, F2 Logistics, Cocolife, Cignal, Foton, Sta. Lucia, at Petron. At kasama din ang mga magagaling at sikat na manlalaro na sina Rachelle Ann Daquiz, Alyja “jaja” Santiago, Mika Reyes at marami pang iba. Ito ay parte ng PSL All Filipino Conference. Abangan sila sa ika- 27 ng Hunyo Martes 2017 sa ganap na ika- 3 ng hapon sa Baliwag Star Arena. Kaya mga Baliwagenyo tara na at manuod dahil siguradong masaya ito.

Advertisements