baliuag baliwag Baliwag News Service Child protection Child-friendly municipality Dswd, eccd, daycare, baliwag, baliuag education Social protection synergeia

Baliwag ECCD Teachers, nagsagawa ng briefing bago magpasukan. DAYCARE STUDENTS walang dapat bayaran na registration fee.

Advertisements

Binigyan ni Baliwag Early Chilhood Care and Development Council Co-Chairperson Maria Cristina Silamor ng huling pagsasanay ang mga ECCD Teachers bago ang kanilang nakatakdang pasukan. Ang mga ECCD o daycare teachers ay binigyan ng kaukulang pagsasanay sa classroom management at lesson planning and play integration.

Ang pagbuo nga ng mga polisiya patungkol sa ECCD ay inilagay sa isang council na siyang binuo upang matutukan ang mga programa para sa mga bata. Ang ECCD ay binibigyang kapangyarihan na makabuo din ng mga polisiya ukol sa children nutrition, children with disabilities and special needs at slow readers. Ang mga magulang ay isasailalim din sa parent effectiveness seminar. 

Ayon kay Mayor Ferdie: sa pamamagitan ng standardization ng Daycare program, mabibigyan natin ng kalidad ang paghahawak ng mga teachers sa kanilang mga klase. Sisiguruhin natin na ang tinuturo ay tama, angkop sa idad at dapat maghahanda sa kanila sa pagtuntong sa klase.  Mababantayan din natin ang implementasyon ng nutrition program sa kanila na WALANG BAYAD. Inihahanda na nga ng ating consultant ang worktextbook na gagamitin ng mga daycare. 


Advertisements