Base sa direktiba na ipinalabas ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas,
Ang mga bandila ay ibababa ng kalahati simula Martes bilang simbolo ng ating pagluluksa sa mga nasawing kawal at sibilyan sa Marawi.
Ayon sa tagapagsalita ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, Gen. Restituto Padalila Jr., “pinapaalala sa bawat Pilipino na ang kalayaan na tinatamasa ay buhat sa mga buhay na inialay ng ating mga bayani at kawal Pilipino. “