baliwag Baliwag Agri Baliwag News Service

Libreng Organikong Pataba Para sa mga Magsasakang Baliwagenyo

Nagpamahagi po tayo ng Organikong pataba sa mga Magsasaka ng Baliwag. Ang programa pong ito ay sang-ayon sa hangarin ng ating Municipal Agriculture Office sa pamamatnubay ng ating butihing Ferdie Estrella.

d

Kasama po ito sa hakbangin ng ating Lokal na Pamahalaan  na mai-promote ang organikong pagsasaka sa ating Bayan.Nakapamahagi po ang ating Pambayang Tanggapan Sa Pagsasaka ng 360 sako ng Organikong pataba sa 36 benepisyaryo mula sa Barangay Tarcan,Sulivan,Catulinan at Sta. Barbara.

e

Ang mga nasabing benepisyaryo ng mga pataba ay napili mula sa mga nagsipagtapos ng “PalayCheck Seminar”noon lamang ika-1 ng Hunyo.Ang programang ito ay isinasagawa na taon-taon. Kitang-kita ang kagalakan ng mga magsasaka dahil sa programang ito dahil na rin sa malaking kabawasan nito sa kanilang gastusin.

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.