Resorts World Manila resorts world tragedy

Misis ni Bi-Jay Pagsibigan, ikinuwento kay Mayor Ferdie ang pagkadismaya na inabot sa Funeraria Rizal. 

Ikinuwento nga ni Gng Venice Viola Pagsibigan ang matinding sama ng loob sa Funeraria Rizal na siyang pinagdalan ng labi ni BiJay Pagsibigan. Ibabot nga halos dalawang araw bago nailabas ang labi ni BJ matapos na sumailalim pa ito umano sa autopsiya. Hindi nga umano nalagyan ng formalin ang labi, matapos na ito ay buksan kung kaya’t matapos ang ikalawang araw ay nagpakita na ito ng signs of decomposition. Matapos lamang daw na bigyan ng ultimatum ng Abogado ng Resorts World Manila ang nasabing Funeraria tsaka nito inilabas ang labi. 

Ang mga ganitong pangyayari ay labis  na ikinagalit ng lahat ng kaanak at kaibigan ng mga nasawi. Makasarili, walang malasakit at mapagsamantala ang itinawag ng mga kaanak sa Funeraria dahil sa pagpapabaya nito na basta na lamang itiwangwang at hayaang pagantayin ang mga kaanak nito sa kabila ng labis nilang paghihinagpis.

Advertisements