baliuag baliwag Baliwag News Service Drt Highway

Pagkayod sa maalong Aspalto sa DRT Highway, ipinilit na ni Mayor Ferdie.

Advertisements

Matapos na sumulat sa Secretary ng DPWH noon pang isang taon at makailang ulit na manawagan sa Project Manager at Contractor ng  DPWH na asikasuhin ang maalong aspalto sa kahabaan ng DRT Highway, Baliwag, Bulacan ay ipinilit nga ni Mayor Ferdie na kayurin na lamang ito kung hindi magagawan ng paraan na maisaayos kaagad dahil sa malalang sitwasyon  ng kalsada at ito nga ang pinagmumulan ng maraming aksidente. 


Nakatakdang simulan nga ngayon ang pagkayod sa binigay na taning ni Mayor Ferdie na siya na nga mismo ang magpapakayod ng kalsada dahil prayoridad nga ang buhay ng mga tao. Galit na sinabi ni Mayor noong isang Lingo na kumausap na siya ng contractor upang kayurin ang kahabaan ng DRT Highway. 

Magsisimula ang pagkayod ngayon alas-9 hanggang alas-4 ng umaga. Muli itong magsisimula bukas ng gabi.

Advertisements