Sa papalapit na araw ng pasuka sa mga pampubliko at pribadong paarala aa bayan ng Baliwag ay matagumpay na natapos ang Brigada Eskwela sa mga Pang publikong paaralan sa naturang bayan.
Ang nasabing brigada ay pinangunahan ng DepEd katuwang ang pamahalang lokal ng Baliwag sa pag papasaayos ng mga naturang paaralan. Inanyayahan ang mga magulang at ibat ibang grupo at samahan gaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, Solo Parents at Mother Leaders ng mga barangay, upang makiisa at makatuwang ng mga guro at empleyado ng paaralan sa pag lilinis sa mga silid aralan at pasilidad nito, alin sunod sa nalalpit na pasukan at tag ulan. Inaasahan na sa darating na pasukan sa susunod na linggo ay 100% ng handa ang bawat paaralan sa pag sisimula ng klase.