Sa pangunguna po ng ating Pambayang Tanggapan sa Paghahayupan ay nagpahatid po tayo ng libreng purga sa alagang kalabaw at baka sa Brgy. Tarcan at Piel.
Ang ating mga staff mula sa MAO Veterinary division ay nakapagpurga ng 7 kalabaw at 39 na baka. Katuwang din po natin ang Provincial Veterinary Officer na sina Sir Gerry Ramos at si Sir Arnold Inoncillo.”
Sa panahon po ng tag-ulan kadalasan nagiging problema ang pagkakaroon ng bulate sa mga alagang hayop’’ika ni Sir Gerry.Makakainam kung mapipigilan natin ang paglaganap nito sa pamamagitan ng pagpurga dagdag pa nito.Ang programang ito ay isinasagawa na sa buong bayan ng baliwag katuwang natin ang Provincial Veterinary office.