baliuag baliwag Baliwag Clock Tower Baliwag News Service Baliwag Public Information Office

Kung Paano nga ako Naging Superstar?

ni: Baliwag Tower Clock


Dati rati ay ordinaryo lang talaga ang tingin sa akin. Orasan nga. Orasan na minsan ay late, minsan ay sira. Pero madalas ay dinadaan-daanan na lang nila akong muli.

Kung paano nga ako naging superstar muli ay biglaan. Hindi man lang ako nakapagpasintabi man lang sa mga tunay na bida dito – si Rizal, Boni at Naning. Sila nga kasi ang lagi kong nakikita na inaalayan pa nga ng bulaklak. 
Kung paano ako naging superstar ay hindi ko na nga inasahan. Sino ba naman kasi mag aakala na ganon ang mangyayari. Akala ko nga ay tuwing nahuhuli lang ako at saka ako mapapansin. Buti nga ay hindi ako pinatungan ng plywood at tinakpan para makalimutan.  Naawa nga ako kay Fountain. Dati rati ay napakadaming nagpapapicture sa kanya. Ang ganda kasi niya – bago, makulay at kakaiba.  Kung paano nga ako bigla muling naging superstar ay dahil daw ang daming mahilig magfacebook, instagram at twitter. Dahil ang dami ngayong selfiesh, mga mahilig mag-selfie.

Sa totoo lang, nakakakikilig kapag may nagpapaselfie sa akin.

At kung paano nga ako naging superstar ay dahil daw sa mga tulad nila Batang Baliwag, Boyet Luna, Lemmor Hipolito, Willie Domingo at Johnnie na mamimitik. 

Pero sa totoo lang, Kung paano ako naging superstar ay dahil dahil sa inyong lahat na may pusong Baliwag. Kayo na mga tunay na nagpapahalaga sa mga pamana ng bayan. 

Maraming salamat nga sa inyo dahil naging superstar muli ako at ang bawat Baliwagenyong NANGARAP, NANINIWALA, NAGMAHAL, NAGMALASAKIT.



Advertisements