Baliwag News Service

Kampanya laban sa Alpas na Aso Isinasagawa na sa Bayan ng Baliwag

Ang ating Pambayang tanggapan sa Paghahayupan ay nagsasagawa na ng panghuhuli sa mga alpas na aso.Ang nasabing panghuhuli ay isinagawa na sa ilang barangay kabilang na dito ang Barangay Makinabang,Bagong nayon,Poblacion at Tangos.

Ang mga nahuling aso ay ikinukulong sa ating Dog pound Facility sa Brgy. Tiaong. Sa kasalukuyan po ay mayroon na tayong labingsiyam(19) na asong nahuli mula sa apat na barangay.Patuloy rin ang aming kampanya laban sa nakamamatay na rabis sa pamamagitan ng “house to house Vaccination” dalawang beses sa isang linggo.Nakapagbakuna na rin ang ating mga vaccinator ng 2655 na aso at pusa simula pa noong Enero. Bawat aso na nabakunahan ay agad naming inirerehistro upang makuha natin ang kabuuang bilang ng aso sa bawat barangay dito sa ating bayan ng baliwag.Isa na rin sa paraan upang mabawasan ang mga alpas na aso ay ang pagsasagawa namin ng IEC tungkol sa “Responsible Pet Ownership” . Naging inspirado ang ating mga kasamahan sa Agrikultura dahil na rin sa positibong Feedback ng ating mga kapwa Baliwagenyo dahil sa ating serbisyong may malasakit.
Advertisements