baliuag Baliwag News Service serbisyong may malasakit Social protection Social Services / Partnerships

Isa Nanamang Centenarian, Kinilala.

         Nito lamang Mayo 25, 2017 ay nag gawad ng pagkilala ang tanggapan ng DSWD Regional Office III sa dalawang Baliwageño na tumungtong sa edad na 100 taong gulang. At ngayon lang, Mayo 30,2017 sa ika 2 ng hapon ay isa nanamang Centenarian ang pinagkalooban ng halagang Php100,000.00 sa pangunguna ng DSWD Regional Office III na nirepresenta ni Ginoong Edward John Mendoza, at ng Kgg. Punong Bayan ng Baliwag Mayor Ferdie Estrella, kasama rin ang Municipal Social Welfare Officer na si Ms Josephine Lopez.

Ang nasabing centenarian ay si Ginang Consolacion Camacho ng Barangay San Jose. Sa kadahilanang si Gng Camacho ay naturang bedridden na, ay kinailangang magtungo ng DSWD kasama ang MSWDO para sa validation ng nasabing centenarian. Doon ay kinamusta at tiniyak ang kasulukuyang kalagayan ng nasabing centenarian.

         Masayang tinanggap ni Ginang Camacho at ng kanyang pamilya ang nasabing halaga na kung saan ito ay kanilang magagamit sa pang aaraw araw na gamutan, pang bitamina at pang kalusugang gastusin ni Lola Consolacion.

Inaasahan na may dalawa pang Senior Citizen ang tutungtong sa edad na 100 at mapagkakalooban ng pagkilala at ng halagang Php100,000.00 bawat isa.

Tunay nga na ang bawat serbisyo at programa mula sa national at lokal na pamahalaang bayan ng baliwag ay galing sa puso, at may malasakit .

Advertisements