Baliwag News Service

Baliwag Agritech Trade Fair at Pakwan Festival 2017

Advertisements

Nagpapanibagong sigla ang Agrikultura sa bayan ng baliwag sang ayon sa pahayag na hangarin ng  butihing Mayor Ferdie Estrella sa pamamatnubay ng ating  Municipal Agriculture Officer Arsenia Huertazuela.

Ang pambayang tanggapan sa pagsasaka ang nanguna sa pagdaraos ng katatapos lang na Agritech Trade fair at ito’y bilang pakikiisa na rin sa pagdiriwang ng Buntal Festival 2017.Layunin naman ng selebrasyong ito na maipakilala,makapagbenta ang mga magsasaka ng kanilang kaniya-kaniyang produktong inaani.

Tampok din sa programang ito ang taunang pagdiriwang ng Pakwan Festival na kung saan kilala ang Brgy. Tarcan sa Pagtatanim ng Pakwan.Malugod namang nakiisa ang mga baliwag exhibitors para ipagmalaki ang kanilang mga produkto.Mayroon ding isinagawang paligsahan na tinawag na “PINAKA contest” na kung saan ang tatanghaling panalo ay ang may pinakamabigat at pinakamatamis na pakwan.

Naging tampok naman ang ating pagdaraos ng “Pakwan Festival “ sa unang hirit na kung saan ang kapuso star na si Hiro at si Bobay ay masayang nakijamming sa ating mga exhibitors at mga kandidato at kandidata ng ” Ginoo at Binibining Baliwag 2017”

 

Ang pagbubukas ng Agritech Fair ay pormal nang binuksan ni Mayor Ferdie Estrella sa pamamagitan ng isang Ribbon-cutting Ceremony na sinaksihan nila Provincial Agriculturist Ma. Gloria Sf. Carrillo,Vice Mayor Chris Clemente,Councilor Joel Pascual, at mga pinuno ng ibat ibang department sa  Pamahalaang Bayan ng Baliwag.Naway ito na ang simula ng pagsigla ng Agrikultura sa Bayan ng Baliwag.

Ribbon-cutting Ceremony
Advertisements