Sa isa sa pinakatampok na palabas ay ang Ginoo at Binibining Baliwag na isinasagawa at napanood sa FBLive Mayor Ferdie Estrella account. Tunay nga na hinangaan ng Publiko ang preparasyon ng Lokal na Pamahalaan ng Baliwag. Bukod sa balanse ang programa ay naihatid nito ang isang layunin na muling maibalik ang kumpiyansa ng mga Baliwagenyo na maaaring maibalik ang masaya, maunlad at mapayapang Baliwag.
Sistematiko, Makulay at Maganda
Ang lahat nga ng mga programa ay professionally executed at dekalidad. Bagama’t naging maikli ang panahon sa paghahanda dahil sa sabay-sabay na mga gawain sa SGLG at ISO ay nagawa pa din na mahusay na maisagawa ang lahat ng mga programa mula noong binuksan ang buntal festival hanggang sa Dangal ng Baliwag at Konsiyerto ng Parokya ni Edgar. Ang lahat ng iyan ay naging posible sa magkakatuwang na pagtutulungan ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag, Globe Telecoms, Metro Clark Waste Management, SM City Baliwag, at Baliwag Water District.