baliuag baliwag investment promotions national competitiveness neda Uncategorized

Malolos City at Baliuag, tinaguriang Regional Centers sa Philippine Development Plan 2017-2022

Tinagurian nga na REGIONAL CENTERS ang dalawang bayan ng Bulakan sa Philippine Development Plan 2017-2022. Ibig sabihin ay mayroong sapat na aktibidad ang lokal na ekonomiya upang yakapin ang mga bagong imbestor at may kakayahan nga ang lugar na makapagsupply ng dekalidad na mga graduates. Dalawa lamang ang nakonsidera sa kategoryang regional centers at tatlong bayan naman ang pumasok na sub-regional centers, ito ay ang San Jose del Monte City, Sta. Maria at San Miguel.

Para sa isang bayan na maisama sa ketegoryang regional center ay pagpapatunay ng kumpiyansa ng National Economic Development Authority na malaki ang potensiyal ng lugar upang yumakap pa ng mga bagong puhunan. Kinakailangan lamang na maisaayos ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang pamamahala; tamang magamit nito ang kalakasan ng bayan at mamamayan; at  makagawa ng sistemang makapagiimbita ng negosyo, talento, kasanayan at kagalingan.

I-click ang link kung nais na mabasa ang Philippine Development Plan 2017-2022 Maari din na mapanood ito sa mga link na ito Philippine Development Plan Videos

Advertisements