baliuag baliwag Baliwag News Service Baliwag Public Information Office buntal hat festival dangal ng baliuag galing ng Baliwagenyo, dangal ng Pilipino historical Tourism Cultural Festival

Maligayang ika-284 taon Baliuageño

Isang buwan nga na ipinagdiriwang ang Buntal Hat Festival bilang pagkilala sa natatanging araw kung kailan tinatag ang Baliwag. Ayon sa mga tala ng kasaysayan, ang unang binyagan naitala ay noong Mayo 26,

Spanish records (“Apuntes históricos de la provincia augustiniana del Santísimo Nombre de Jesús de Filipinas”, año 1909: Filipinas, by P. Bernardo Martinez)[6] reveal that Fr. Juan de Albarran, OSA was assigned Parish Priest of Baliuag in 1733. The first baptism in Baliuag Church was ordered by Fr. Lector and Fr. Feliz Trillo, Provincial of the Province on June 7, 1933 while Baliuag was founded and began its de jure existence on May 26, 1733. The town or pueblo was created in the provincial Chapter on May 15, 1734, with the appointment of Fr. Manuel Bazeta or Baseta as first Kura Paroko.[7] 

Tuwing Mayo 26 nga ang kinikilalang pagkakatatag ayon sa kung kailan ito binigyan ng personalidad ayon sa batas noon. Hunyo 7, 1733 naman ang unang binyagan naganap sa direktiba ng noon ay pinuno ng kongregasyon ng mga Agustinos na si Padre Feliz Trillo at Padre Lector. Ang unang Kura Paroko naman ay si Padre Juan de Albarran. 

Ipinagdiriwang ang Buntal Hat Festival sa buong buwan ng Mayo dahil sa dami ng mahahalagang petsa na may kinalaman sa pagkakatatag nito pati na rin ang pasasalamat sa iba pa ngang makasaysayangpetsa para sa mga Baliuageño. Ito ay sinismulan tuwing Mayo 6, ang petsa kung kailan ginanap ang unang halalang demokratiko sa Asya.  Tuwing ikalawang Lingo naman Pistang Bayan at Pasalamat sa masaganang ani at Mayo 26 nga ang araw ng pagkakatatag. 

Ang mga pagdiriwang ay nakapaloob lahat sa Buntal Festival 2017 at pinangunahan ni Mayor Ferdie Estrella. Tema ng Buntal Festival ngayon taon ay Galing ng Baliwagenyo, Dangal ng Pilipino.

Nakatakdang buksan bukas ang isang exhibit sa SM City Baliwag tampok ang galing at husay ng Baliwagenyo sa ganap na ika-4 ng hapon.

Advertisements