baliuag baliwag Baliwag Chamber of Commerce Baliwag News Service Baliwag Public Information Office bulacan Business friendliness and competitiveness private business

Baliwag’s 2009 Natatanging Entreprenor, ginawaran ng Bulacan Chamber bilang Most Outstanding Businessman 2017


Kinilala ngayon gabi ng Bulacan Chamber of Commerce and Industries Inc. si Gng. Dely Ortega-Mangulabnan bilang Most Outstanding Businessman ng Taon sa isang seremonya na ginawa sa One Grand Pavilion, Events Place  sa Malolos, Bulacan.

Si Gng. Mangulabnan ang nasa likod ng sikat na meat processing retailer na Ortega’s. Noong 2009, siya ay kinilala na din ng lokal na Pamahalaang Baliwag sa pangunguna ni dating Mayor Romeo Estrella bilang Natatanging Entreprenor. 

Si Mrs. Jonnah Estrella, may bahay ni Mayor Ferdie Estrella ang kumatawan sa Tanggapan ng Punongbayan upang samahan at mabati ang pinarangalan. Ang Investment Promotions Unit Officer, Karenjoy Rivera ay kasama sa mga dumalo. Si G. Bien Gonzales, Pangulo ng Chamber of Commerce and and Industries ay sumuporta din kay Gng. Mangulabnan.

Advertisements