baliuag baliwag Baliwag News Service Baliwag Public Information Office cbms dilg

Community-Based Monitoring Survey kasalukuyang isinasawa. Suporta ng publiko hinihiling.

Muli ay hinihiling sa publiko at kabahayan sa Baliwag na suportahan ang kasalukuyang isinasagawa na Community-Based Monitoring Survey na proyekto ng Department of Interior Local Government at Pamahalaang Bayan ng Baliwag. 

Mahalaga na maisagawa ng bayan ang survey na ito upang magkaroon ng maayos na baseline o panimulang datos ang isang bayan upang stratehikong makagawa ng tamang plano at mga programa ang pamahalaang bayan. 

Hindi pwedeng nanghuhula lamang ang pamahalaan kung ano ang mga dapat na programa ang ilalatag nito sa kanyang mamamayan upang makita talaga natin kung matagumpay na nasosolusyunan ng gobyerno ang mga suliranin tulad ng kahirapan, kawalan ng trabaho, kakulangan sa mga pasilidad at imprastraktura, at iba pang social benefits. 

Seryosohin, Huwag Dedmahin

Kung ang datos na ating ibibigay ay hindi nga tama, mali ang mga magiging resulta na ito at maaaring mali ang mailatag na programa ng pamahalaan. Ang mga enumerators na pupunta sa bahay ay naka-tablet upang diretso ng ma-irekord ng mabilis ang mga sagot ng kanilang mga ininterbyu.  

Bagama’t tumatagal ng higit sa 30 minuto ang bawat survey, higit na pasensya at pang unawa ang hinihiling sa publiko. Kaukulang respeto din ang ipinapakiusap para sa ating mga enumerators.


Pakikipagpulong sa Homeowners

Nakatakda naman makipagpulong si Municipal Administrator Enrique Tagle sa mga homeowners association kasama ang kanilang mga barangay captains upang makuha ang kanilang panig upang mapadali at maisaayos ang CBMS. Kamakailan ay nagdeklarang failure ang enumerators sa Camella, Prominenza, Villa Katrina sa dahilang karamihan ng bahay ay ayaw makibahagi sa kanila. 

Advertisements