baliuag baliwag barangca bulacan EcoPolice Environment Protection menro serbisyong may malasakit

Town-Wide Clean Up Today! Programa, Naka iskedyul ngayon sa Barangca!


Muling isasagawa ngayon ang town-wide clean up day upang muling ipaalala sa lahat ng mga barangay ang pagpapahalaga sa kapaligiran. 

Ang lahat ng mga kawani gayun din ang mga barangay ay inaasahang makilahok sa sabayang paglilinis bukas. Nakapokus ang paglilinis sa mga kanal ng irigasyon.


Kailangan na mapanatili natin ang kalinisan ng irigasyon sapagkat, dito dumadaloy ang tubig papunta sa mga palayan. Hindi maganda na kontaminado ang mga pananim lalo na at ito ay ating kinakain. 

Nananatiling ikatlo sa pinakamalaking ani ng palay ang Baliwag sa buong Lalawigan ng Bulakan. Kasama ang pananatili ng ganitong ani o mas mahigitan pa sa ating local climate change action plan.

Advertisements