(Ang sumusunod ay ang panayam ng Baliwag News Service kay Baliwag Municipal Administrator Enrique Tagle at Public Information Officer Bong Sablan patungkol sa tagos sa pusong panalangin na dinadasal tuwing mayroong opisyal na gawain ang pamahalaang Bayan)
Maaring mapanood ang video sa pamamagitan sa pagclick dito Dakilang May Likha
BNS: Bakit po kailangan pa ng ganitong video ng panalangin at paano ito napili?
MA: Basta noong una ay gusto lang namin magkaroon ng isang common prayer at Philippine National AVP dahil gusto natin magkaroon ng isang community branding. Parang common aspiration, yung minimithi talaga ng bawat isang Baliwagenyo.
PIO: Hindi naman kami nahirapan na makahanap ng angkop dahil pagbukas namin ay ito na ang lumabas na kanta sa unang strategic planning namin. Sabi kaagad ni MA, yan ang prayer ng Galing Pook Foundation noong nag open siya ng judging one time.
BNS: Noong pinaabrupbahan ba ninyo ito kay Mayor ay nagustuhan nya kaagad?
MA: Sa tingin ko. Kasi sabi niya pagawa ka ng video. Sabi ko, ako gagawa. Kaso noong gumawa ako hindi naaprove ni Kuya Bong. Nagpagawa siya sa iba. Haha.
PIO: hahaha. Pinagawa namin si Royette. Medyo gusto namin ay nakatono sa unang video ng Philippine National Anthem.
BNS: Ano ang paborito ninyong linya sa panalangin? Ito ay kanta ni Gary Granada?
MA: yes. Alam ko may babaeng version. Ako ang paborito ko dyan yung turuan magparaya, gaya ng Iyong gawa… at saka yung upang maiwaksi ang lupit at dahas.
Si Mayor yung…
At samahang lumikha ng pamayanang payapa, sa kalikasan, kabuhayan, kakanya’t paniniwala.
BNS: Ang panalanin po ba na ito ay tumitimo kaya sa mga tao. Kumbaga naiinternalize ba nila ito?
PIO: sa tingin ko. Kasi very powerful yung prayer na yun e. Buong-buo ang panalangin. Ako personally, I am always in awe kasi parang you always submit to His mercy. Mangyari ang Iyong diwa sa langit at sa lupa.
You do not have sufficient freedom levels to view this video. Support free software and upgrade.