Advertisements
Tuloy-tuloy ang ginagawang clearing operations ng Baliwag Traffic Management Office sa iba’t-ibang lugar at lansangan sa Bayan ng Baliwag.
Ang DRT Highway at BS Aquino Avenue ang pangkaraniwang pinagmumulan ng mga nakausling tindahan o kaya ay naging paradahan. Ang mga pagpapalawak ng mga lansangan ay upang magamit din upang maging daanan ng sasakyan at hindi lamang upang maging extension ng mga establisyimento.
Ayon sa Building Code of the Philippines, kinakailangan ay may sapat na paradahan ang mga establisyimento.