baliuag baliwag Baliwag News Service Barangay Bida Public Order and Public Safety Seal of Good Local.Governance serbisyong may malasakit

Barangay Summit itinutuloy sa pamamagitan ng Barangay Justice Seminar

Kasalukuyan ngayong isinasagawa ang Barangay Justice Seminar bilang pagpapatuloy sa programang pagpapalakas sa mga barangay. Ang Barangay Summit na isinagawa noong Marso ay may layuning mapalakas ang mga barangay at mabigyan ng kaukulang kaalaman ang mga barangay tungkol sa kanilang mga responsibilidad at katungkulan upang makapaglingkod ng serbisyong may malasakit sa ating mga kababayan. 

Ang seminar na ito ay isinasagawa ngayon at tatagal hanggang bukas sa Conference Hall ng Baliwag Water District. Ito ay pinapangunahan ni Atty. John Robert Donesa, Pangulo ng Baliwag Polytechnic College at Tagapag-ugnay ng Sektor ng Public Order and Public Safety. 

Advertisements