Ang Baliwag Benefits Card ay ilulunsad ngayon Mayo upang makapagpalit ang mga senior citizens na gumagamit ng mga benepisyo tulad ng sine, birthday, hatid kalinga, btec, police clearance, aid to indigents.
Ang mga kabataang Baliwagenyo, Coops, solo parents, womens, 4Ps, barangay workers, toda ay maari din magpagawa ng Smart ID sa mga itatalagang capture stations sa mga susunod na araw.
Ang CARD ay LIBRE para sa INDIGENT SENIOR CITIZENS at PWDs at 150 pesos sa ibang sektor at makakadiskwento pa kung gumagamit ng Globe Sim Card.
Ang benefits card ay makakapagrecord ng aktwal na paggamit, mairekord ang medical information, lab results at diskwento. Maaari din itong gamiting pambili. Nagwarning ang COA sa patuloy na unverified claim o labis na paggamit ng mga benepisyong laan sa mga Baliwagenyo.
Ang mga kabataan at mga bagong prangkisa ay kailangan din na mayroon benefits card para magamit nila sa kanilang mga transaksyon sa pamahalaan na mas episyente.
Ang ganitong balangkas ng proyekto ay kauna-unahan sa buong bansa.
Good Morning po nais ko lang po sanang itanung kung anung mga requirements po ang need kung kukuha plng po ng senior citizen id? Wla p po kc senior ang mama ko sana po msgot po ang aking ktnungan salamt po
Birth certificate and residency
Tanong kopa ay paano kumuha ng smart card kaming mga OFW ng baliwag. Salamat po.
Paguwi po ninyo. Pero magagamit nyo ito kung nandito lang kayo.
Ano po requirements para sa solo parent Id