baliuag baliwag Baliwag News Service Baliwag Public Information Office btfrb btmo Public Order and Public Safety Social Services / Partnerships Traffic Mgt

BALIWAG TRAFFIC ENFORCERS KAILANGAN SUMAILALIM SA DRUGTEST 4 BESES

Advertisements

Inatasan ng Baliwag Traffic Management Office ang sa mga Traffic Supervisors, Libreng Sakay Drivers, at mga Traffic Enforcers ay sumailalim sa drugtest apat na beses isang taon. Nayon ay ito na ang ikalawang beses nilang kukuha ng drugtest mula nang manukulan si Mayor Ferdie V. Estrella. Dahil sa parami ng parami ang mga gumagamit ng droga ninais ng pamahalaang bayan ng Baliwag na dapat wala ni isa sa mga traffic enforcers ang gumagamit ng ipinagbabawal ng gamot.

Sumailalim ang bawat enforcers sa drugtest at isinumite nila ang kanila mg resulta sa tanggapan ng Baliwag Traffic Management Office upang maifile ng maayos ang mga ito. Kung sino man ang magpopositibo na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ay ubligadong pumasok sa Pagbabago Reformation Center upang mabigyan ng pagkakataon na makapagbagong buhay.

Sa ngayon wala pa sa mga traffic enforcers ang nagpositibo sa pagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Advertisements