Sa inihahandang proposed Administrative Code of Baliwag ng Tanggapan ng Pambayang Tagapangasiwa, dalawang beses hihilingin ng Baliwag kada-taon sa Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas na iproklamang special Non-working holiday sa Bayan ng Baliwag. Ito ay tuwing March 22 bilang Mariano Ponce Day at May 26 bilang Charter Day o Foundation Day. Ang Petsang May 26 ay base sa unang naitalang binyagan na naganap sa Parroquia ni San Agustin.
Ang proklamasyon ay nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea noong 21 ng Abril 2017.
Reblogged this on Baliwag City News Service.