baliuag baliwag Baliwag News Service Baliwag Public Information Office bulacan buntal hat festival Magfood trip tayo sa Baliwag serbisyong may malasakit Tourism Cultural Festival

Pagbubukas ng isang buwang selebrasyon ng Buntal Festival 2017

Advertisements

Bilang panimula sa isang buwang pagdiriwang ng taunang Buntal Festival, isang engrandeng selebrasyon ang itinanghal noong umaga ng Biyernes, ika-lima ng Mayo, kung saan itinampok ang buntal hat na sadyang ipinagmamalaki ng mga Baliwagenyo.


 

Sa kabila ng mabilis na pag-usbong ng teknolohiya, hindi pa rin matatawaran ang tradisyonal na paraan ng paggawa ng buntal hat. Tunay na pagpapamalas ng sipag, tiyaga at husay ang masinsin na paglalala ng buntal hat mula sa uway, kung kaya’t maituturing na higit na espesyal ang mga handcrafted na produktong ito.

 

Bukod sa buntal hat, ibinida rin ang iba’t ibang tanyag na produkto ng Baliwag tulad ng mga makukulay na native bags, at mga katakam-takam na pagkain tulad ng Kalahi pastillas, Aling Sitang puto’t kutsinta, longganisa, bibingka at pakam. Nakisaya rin ang mga kalahok sa Binibini at Ginoong Baliwag na nagpamalas ng kani-kanilang aking talento.


Kasunod ng pagbubukas ng Buntal Festival, agad naman itong sinundan nang pagbubukas ng mag-foodtrip tayo sa Baliwag. Itinatampok dito ang mga sikat at masasarap na kainan sa ating bayan, na kung saan ito ay dinaluhan ng ating Mayor Ferdie Estrella, Vice Mayor Christopher Clemente, Congressman Apol Pancho, Bokal Monet Posadas, Konsehal Dingdong Nicolas, Konsehal Erlene Luz dela Cruz, at Konsehal Madette Quimpo.


 

Advertisements