baliuag baliwag Baliwag Araw ng Barangay Baliwag News Service Baliwag Public Information Office Barangay Bida buntal hat festival serbisyong may malasakit Tourism Cultural Festival

Gov. Willie, Vice Gov. Daniel at iba pang opisyal pinapurihan ang Barangay BIDA ng Baliwag

Advertisements

Pinapurihan ni Governor Willie Alvarado at Vice Governor Daniel Fernando ang kakaiba at agresibong pagbuo ng mga programa sa Bayan ng Baliwag tulad na lamang ng Barangay BIDA o Barangay Innovation for Development Awards. 


Sa kanilang talumpati ay ibinida ng dalawang kung paano nila nakitang umusbong at yumabong ang husay at galing ni Mayor Ferdie mula pa ng ito ay maging Barangay Captain, Bokal hanggang sa ito ay maging Punongbayan.

Kinakikitaan ngayon ang Baliwag ng mga bagong programa na hitik sa inobasyon. Nakatunghay ang lalawigan sa mga magagandang programa dito sa Baliwag kung kaya’t dapat ipagmalaki iyan ng bawat Baliwagenyo.

Advertisements