accounting baliuag baliwag Baliwag News Service Baliwag Public Information Office financial administration Performance based bonus Seal of Good Local.Governance

Criteria ukol sa pagbibigay ng Performance-Based Bonus (PBB), inilabas na ng DBM

Ipinalabas ng Department of Budget and Management ang Memorandum Circular 2017-1 bilang tugon sa mga sangguni na nakarating sa nasabing tanggapan ukol sa Performance Based Bonus ng mga empleyado ng gobyerno.

Sa nasabing dokumento, nakasaad ang iba’t-ibang pamantayan upang legal na maigawad ang nasabing insentibo. Ayon kay Dir. Elisa Salon ng DBM-Region III Office, kapansin-pansin ang pagdami ng dokumentong kinakailangang isumite upang maging qualified ang isang bayan o empleyado na makatanggap ng PBB. Ito umano ay alinsunod sa direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang tiwala ng mamayan sa taong gobyerno sa pamamagitan ng magandang serbisyo.

Sa bagong pamantayan, kitang-kita ang pagpapahalaga sa kalidad ng serbisyo na ibinibigay ng bawat empleyado na karapat-dapat na matanggap ng mga tao.  Kabilang ang pagkakaroon ng opisyal na Citizen’s Charter ng bawat tanggapan upang magkaroong ng mabilis at maayos na serbisyo ang buong pamahalaan.

Isa din ang pagkakaroon ng Transparency Seal sa mga kailangan upang maging kwalipikado ang isang bayan na magpamahagi ng PBB. Ang Transparency Seal ay sumisimbolo sa karapatan ng bawat mamayan sa mga dokumentong naglalaman ng mga impormasyon ukol sa takbo ng gobyerno.transparency seal.JPG

Ang kompletong listahan ng mga requirements ay ang mga sumusunod:

Untitled.png

Ang naturang memorandum ay nilagdaan ni G. Benjamin Diokno, ang Kalihim ng Department of Budget and Management, noong ika-09 ng Marso taong 2017.

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.