Baliwag News Service Child protection serbisyong may malasakit Social protection

Pabasa sa Nutrisyon isinagawa sa Family Development Sessions (FDS) ng 4Ps beneficiaries

Advertisements

Alinsunod sa ipinatutupad na Nutrition Program Revolution ng ating Punongbayan, Mayor Ferdie Estrella, sa simula ng kanyang panunungkulan, isa sa mga binigyang binigyang pansin sa programa ng nutrisyon ay ang pagpapalawig at pagpapalakas ng Nutrition Education sa lahat ng sektor. Isa ang grupo ng mga 4Ps beneficiaries  sa mga napiling sektor na pagdausan ng Pabasa sa Nutrisyon bilang isa sa mga buwanang paksa sa Family Development Sessions dahil ayon sa isinagawang profiling ng mga pamilyang may malnourished na anak noong nakaraang taon, ang ilan sa mga bata ay mula sa mga pamilyang kabilang sa 4Ps.

Sa maagap na pagtugon ng ating MAT Team Leader na si Gng. Mercy Grace Ventura, RSW, na siyang may hawak ng programang Pantawid Pamilya Pilipino Program sa ating bayan, ay kaagad na naisama sa regular na paksa ng Family Development Sessions o FDS ang pagsasagawa ng Pabasa sa Nutrisyon upang mas mapalawig ang kaalaman ng mga magulang sa wastong Nutrisyon.

Sinimulan na ang pagsasagawa ng Pabasa sa Nutrisyon sa mga 4Ps beneficiaries noong nakaraang buwan mula Abril 17 – 27, 2017 sa lahat ng mga 4Ps beneficiaries.

Ninanais ng ating Punongbayan na magkaroon ng mas malalim na ugnayan ang mga magulang sa ating pamahalaan upang sama-samang matugunan ang ating suliranin sa malnutrisyon. Sa katapusan ng taong 2017 ay inaasahan ang pagsasakatuparan ng isang kautusang mapagtibay ang pagpapatupad ng taunang Pabasa sa Nutrisyon sa Family Development Sessions para sa mga 4Ps beneficiaries sa ating bayan. Sa pamamagitan nito ay mas higit na mauunawaan ng mga magulang ang kahalagahan ng wastong pagpili at paghahanda ng masustansyang pagkain para sa kanilang pamilya lalo’t higit sa kanilang mga lumalaking anak.

Advertisements